-- ADVERTISEMENT --

Nanawagan ang Akbayan Party, Tindig Pilipinas, at ilang grupo sa Office of the Ombudsman na agarang imbestigahan si Vice President Sara Duterte sa umano’y maling paggamit ng confidential and intelligence funds (CIF) at malubhang pag-abuso sa kapangyarihan.

Sa liham na kanilang isinumite kahapon Lunes, iginiit nilang ang paggamit ng CIF para umano’y “mag-imbestiga ng korapsyon” ay isang mapanlinlang na palusot upang pagtakpan ang misuse ng pondo.

Ayon kay Akbayan President Rafaela David, Dapat sa korte na magpaliwanag si VP Sara athindi siya maaaring umiwas sa pananagutan.

Binatikos din ni David ang tangkang gamitin ni Duterte ang galit ng publiko sa korapsyon para sa pansariling interes.

-- ADVERTISEMENT --

Giit ni David galit ang lahat sa kurakot kasama na dito si VP Sara na nais din mapanagot dahil sa maling paggasta ng CIF.

Dagdag ni Akbayan Youth Chair Justine Balane, na hindi ligtas si VP Sara dahil sisingilin siya ng kabataan.

Hinihimok ng mga grupo ang Ombudsman na kumilos nang patas at patunayan na walang opisyal kahit ang Pangalawang Pangulo ang lampas sa batas.