-- ADVERTISEMENT --

Opisyal ng kinumpirma ni Aiko Melendez ang relasyon nila ni Onemig Bondoc.

Itinaon ng aktres turned politician ang pagkumpirma nitong araw ng mga puso noong Pebrero 14.

Sa social media account nito ay ibinahagi niya ang larawan nilang dalawa na may caption na “First Valentines Day”.

Noong Disyembre ng nakaraang taon ng lumutang ang relasyon ng dalawa kung saan naging guest ang aktor sa vlog ng aktres.