Nagtalaga na ang prosekusyon ng isang babaeng abogado na magtatanong kay Vice President Sara Duterte sakaling humarap siya sa impeachment court para magtestigo sa kanyang impeachment trial.Serbisyo Publiko
Ayon kay Manila Rep. Joel Chua na sikreto muna ang pangalan ng abogado pero handa na ito kung biglang isalang si Duterte sa pagdinig sa Disyembre 1 hanggang 4.
“Huwag na po muna, surprise,” pahayag ni Rep. Chua ng tanungin kung sino sa mga babaeng private prosecutors ang mag cross-examin kay VP Sara.Serbisyo Publiko
Sinabi ni Chua, tanging ang Bise Presidente lang ang direktang makasasagot sa mga isyu laban sa kanya, kaya nakahanda sila kung magpapaliban ulit ang depensa, magtatapos na ng presentasyon, o biglang magtestigo si Duterte.
Matatandaang naglabas ang prosekusyon ng mga ebidensya tungkol sa umano’y P817.87 milyong hindi maipaliwanag na yaman nina Duterte at ng asawa niyang si Atty. Mans Carpio, pero wala pang kumpirmasyon kung haharap sa korte ang Bise Presidente.
“But just the same, handa po kami kung anuman po at handa rin kami na i-cross-examine ang ating bise presidente,” pahayag ni Rep. Chua.











