-- ADVERTISEMENT --
Iminungkahi ni Senator-Judge Raffy Tulfo na direktang paghambingin ng Senate Impeachment Court ang titulo ng lupang idineklara ni Vice President Sara Duterte sa kanyang SALN at ang property na kasalukuyang tinatalakay sa paglilitis.
Ang naturang palitan ng pahayag ay naganap habang tinatalakay ng depensa ang isang ari-arian na Juna Subdivision, Matina Crossing, Talomo, Davao City na nakarehistro umano kay Atty. Manases Carpio, asawa ng Bise Presidente.
Nauna nang kinumpirma ni Davao City Assessor Engr. Jaime Adalin na si Carpio ang registered owner ng naturang property.











