Tinanggihan ng International Criminal Court ang hiling ng kampo ni dating pangulong Rodrigo Duterte na obligahin ang paglalagay ng “Expert verification reports” sa open-source at user-generated evidence na isinusumite sa tribunal.
Hiniling ng defense team na amyendahan ang e-court protocol ng ICC at magdagdag ng “Expert verification” sa isang particular na metadata field, ang electronic discovery system ng registry ng korte.
Sa pitong-pahinang desisyon na may petsang September 27, sinabi ng Trial Chamber III na maaari itong magdulot ng Hindi kinakailangang pagkaantala sa pagsisimula ng paglilitis dahil sa dami ng ebidensiyang kailangang suriin.
Ayon sa Chamber, matutugunan naman ang layunin ng depensa sa pamamagitan ng umiiral na proseso kung saan maaaring kuwestiyunin ng mga partido ang admissibility o iba pang pamantayan ng ebidensiya sa oras na isumite Ito o agad matapos matukoy ang isyu.
Nakatakdang magsimula sa November 30 ang paglilitis ni duterte sa ICC.











