Pipilitin ngayon ng mga atleta ng Pilipinas na makasungkit ng gintong medalya sa nagpapatuloy na 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya , Japan.
Ngayong araw, Setyembre 23 ay magsisimula ang pagsabak ng mga atleta sa sports na rowing, weightlifting, squash at esports.
Habang susubukan ng makapasok sa quarterfinals ang men’s at womens’ 3×3 basketball teams.
Ilan sa mga sports na aabangan ay ang pagsabak ng mga swimmers ng bansa habang sa baseball ay makakaharap ng Pilipinas ang Japan.
Sa 3×3 basketball ay makakaharap ng Gilas men’s ang Kazakhstan ng dakong alas-12 ng tanghali habang makakaharap ng Gilas Womens’ ang Malaysia ng dakong alas: 5 ng hapon.
Sasabak naman si Pinoy boxer Junmilardo Ogayre laban kay Undaa Gantur ng Mongolia.
Sa sports na Wushu ay makikita ang pagsabak ni Mark Lester Ragay para sa men’s daoshu at gunshu habang sa weightlifting ay masusubukan ang lakas ni Rosegie Rampos sa womens’ 53 kg. final.
Makakaharap ng Pilipinas ang India sa sports na Sepak Takraw habang sa shooting ay lalahok sa 10m air pistol women individual si Franchette Shayne Quiroz habang sina Paul Brian Rosario at Enrique Enriquez naman ay sa skeet men individual ng shooting.
Isasagawa rin ang Men’s team final sa sports na gymnastics habang sa karate ay makakaharap ni Marie June Adriano si Srey Phea Chon ng Cambodia sa Women’s Kumite -50 kgs.
Magsisimula naman ang Rowing ng umaga kung saan sasabak si Cris Nievarez sa mens’ single sculls, men’s pair naman ang sasabak sina Van Maxilo at Rynjie Penarendondo , Joanie Delgaco sa women’s single sculls at Edgar Ilas naman sa lightweight men’s single sculls.
Sa sports naman na fencing ay sasabak sina Janna Catantan at Samantha Catantan sa women’s foil individual; Christian Concepcion sa men’s sabre individual habang si Eunice Villanueva ay sa men’s sabre individual.
Sa esports naman ay sasabak ang Naraka Blade Point na una ay makakaharap nila ang Chinese Taipei na susundan na makakaharap nila ang Vietnam at sa huli ay ang Hong Kong.
Samantala sa swimming ay sasabak sa 100 meter butterfly womens’ si Teia Salvino; habang si Logan Noguchi ay sa men’s 100m butterfly; si Teia Salvino naman ay sa women’s 100m backstroke; sa women’s 400m individual medley ay sasabak si Xiandi Chua at mixed 4x10m medley relay.











