Ipinaliwanag ni Atty. Michael Wesley Poa na “Ad cautelam” o “Out of abundance of caution” ang pakikilahok ng depensa sa kasalukuyang session at sa oral arguments sa susunod na linggo kaugnay ng mga usapin sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Poa, may ilang punto ang kanilang itataas sa oral arguments kaya nais nilang mailagay sa official record ang kanilang posisyon para mapangalagaan ang interes at mga karapatan ng kanilang kliyente.
Sinabi rin ni Poa na posibleng umabot sa supreme court ang usapin, lalo na kung makita ng depensa na may naapektuhang karapatan ng bise presidente bilang respondent sa impeachment case.
Giit nga ni Atty Poa, Hindi nila isinasara ang posibilidad na dalhin sa korte suprema ang mga isyung sa tingin nila ay kinakailangang kuwestiyunin.











