-- ADVERTISEMENT --

Itinanggi ni dating presidential spokesperson Harry Roque ang pahayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na na-deny na ang kaniyang asylum application sa Austria, at tinawag itong “fake news.”

Ayon kay Roque, wala umanong rule na awtomatikong nangangahulugang denied ang asylum application kapag lumampas na sa anim na buwan nang walang desisyon.

Sinabi ni Roque na nasa Austrian authorities na para sa resolusyon ang kaniyang aplikasyon at hinihintay pa niya ang pinal na desisyon.

Samantala, sinabi ni Remulla na ibe-verify pa niya ang impormasyon hinggil sa umano’y rejection ng asylum bid ni Roque.

Naghain ng asylum si Roque sa Netherlands ngunit na-refer ang kaniyang kaso sa Austria dahil Austrian authorities ang nag-isyu ng kaniyang visa. Nahaharap naman siya sa human trafficking charges kaugnay ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO hub sa Porac, Pampanga.

-- ADVERTISEMENT --