Nagpahayag ng interest ang ilang US-based companies na tulungan ang Pilipinas sa drone production o paggawa ng mga drone.
Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, American drone tech companies na ang nagpahayag ng interes na mamuhunan sa drone technology dito sa Pilipinas.
Sa hinaharap, inaasahan aniyang paasok ang Pilipinas at US sa isang drone technology cooperation upang mas mapalakas pa ng bansa ang unmanned capabilities nito sa military at humanitarian operations.
Kampante rin ang ambassador na magiging epektibo at matagumpay ang naturang kooperasyon sa pagpapalakas sa kapabilidad ng Pilipinas.
Aniya, malaking oportunidad ito para sa external defense at military capabilities ng Pilipinas na patuloy ngayong pinapalakas ng pamahalaan.
Kabilang sa mga drone tech companies na nagpahayag ng interes na tulungan ang bansa ay may kasanayan na sa Ukraine-Russia War, habang ang iba sa kanila ay napatunayan na ring epektibo ang kanilang teknolohiya sa iba’t-ibang larangan.









