-- ADVERTISEMENT --

Idineklara na ng Sangguniang Panlalawigan ang buong lalawigan ng Pangasinan sa State of Calamity dahil sa malawakang pagbaha at pinsalang dulot ng Enhanced Southwest Monsoon o Habagat at mga bagyong Luis, Maymay at Neneng.

Batay sa Provincial Resolution No. 985-2026, inaprubahan ang deklarasyon sa special web-based session ng Sangguniang Panlalawigan nitong Agosto 31, 2026, matapos ang rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC.

Ayon sa resolusyon, mahigit 370,000 pamilya o tinatayang 1.2 milyong indibidwal ang naapektuhan ng magkakasunod na sama ng panahon.

Walong local government units na rin umano sa lalawigan ang naunang nagdeklara ng kanilang sariling State of Calamity.

Samantala, umabot na sa mahigit P883.8 milyon ang paunang naitalang pinsala sa imprastraktura, agrikultura at livestock hanggang Agosto 30.

-- ADVERTISEMENT --

Kabilang dito ang:
P232.5 milyon — partial damage sa imprastraktura;
P649.23 milyon — partial damage sa agrikultura; at
P2.11 milyon — partial damage sa livestock.