-- ADVERTISEMENT --

Inihayag ng International Energy Agency (IEA) na agad ilalabas ang mga strategic oil reserve sa Asya (Asia-Oceania) upang matugunan ang kakulangan sa suplay na dulot ng digmaan sa Middle East.Mga Mantikang Panluto

Ang mga reserbang langis ay iaalok agad sa mga bansa sa Asya upang palitan ang mga nawalang bariles ng langis dahil sa tensyon sa rehiyon.

Ito na ang pinakamalaking paglabas ng emergency reserves sa kasaysayan na sinang-ayunan ng mga miyembro ng IEA noong Marso 11, 2026.

Ang Japan ay nagpahayag na ring maglalabas sila ng nasa 80 milyong bariles ng langis mula sa kanilang emergency reserves.

Ang suplay naman para sa Europe at Americas ay magsisimula pa lamang ilabas sa katapusan ng Marso.

-- ADVERTISEMENT --

Layunin ng paglalabas ng oil reserves na magbigay ng “buffer” o proteksyon sa pandaigdigang suplay upang maiwasan ang sobrang pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Ito ay bunsod ng pagharang sa Strait of Hormuz, kung saan idinaraan ang one-fifth ng iniluluwas na langis sa buong mundo, na nagdulot ng pinakamalaking pagkagambala sa suplay ng langis sa kasaysayan, na nagpapataas sa presyo nito.