-- ADVERTISEMENT --

Nasa 62 katao na ang nasawi dahil sa matinding pag-ulan at malawakang pagbaha sa Kenya.

Halos isang linggo ng nakaranas ng matinding pag-ulan sa Kenya na naging sanhi ng pag-apaw ng mga ilog.

Isinarado ang ilang mga kalsada matapos na magtamo ng sira ang tulay sa Nairobi.

Ibinabala ng interior ministry na makakaranas pa ng matinding pag-ulan at pag-baha sa mga susunod na araw.
Dahil dito ay pinayuhan nila ang mga residente na agad na lumikas sa mga ligtas na lugar.

Tiniyak naman ni Kenya President William Ruto na gumagawa ng paraan ang mga otooridad para mailikas ang mga apektadong residente.

-- ADVERTISEMENT --

Hindi lamang sa Kenya nararanasan ang pagbaha dahil maging sa Ethiopia ay nakaranads din ng pagbaha at landslides na ikinaswi na ng 100 katao.