-- ADVERTISEMENT --

Naging masaklap ang pagsisimula ng Gilas Pilipinas Women sa 2026 FIBA Women’s World Cup Qualifying Tournament.

Matapos na sila ay tambakan ng France sa score na 115-66 sa laro na ginanap sa Astroballe in Lyon, France.

Sa simula pa lamang ay ipinakita ng France na sila ang Olympic silver medalist kung saan umabot pa sa 51 ang kalamangan nila.

Bumida sa panalo ng France si WNBA player Dominique Malonga na nagtala ng 21 points, siyam na rebounds at dalawang steals.

Nasayang ang nagawang 13 points ni Sumayah Sugapoong habang mayroong 12 points si Afril Bernardino at 11 points naman ang nagawa ni UAAP Most Valuable Player Kacey Dela Rosa para sa Gilas Women.

-- ADVERTISEMENT --