-- ADVERTISEMENT --

Inilabas na ng US defense department ang pangalan ng pang-pitong sundalo na nasawi dahil sa pag-atake sa Saud Arabia.

Kinilala ito na si Sgt. Benjamin N. Pennington, 26-anyos mula sa Kentucky.

Siya ay unang nasugatan sa pag-atake sa Prince Sultan Air Base noong Marso 1 at pumanaw habang ginagamot sa nitong Marso 8.

Umabot na sa pitong American military ang nasawi matapos tamaan ng missile ng Iran ang US military base sa Saudi Arabia.

Mayroon pang-walong sundalo ang nasawi sa Kuwait subalit hindi ito may kaugnayan sa pakikipaglaban.

-- ADVERTISEMENT --