-- ADVERTISEMENT --
Inaresto ng mga kasapi ng California Highway Patrol ang singer na si Britney Spears.
Nagmamaneho umano ito habang nakainom ng nakakalasing ng inumin.
Agad rin na pinakawalan ang singer nitong madaling araw ng Huwebes.
Inatasan ito na dumalo sa Ventura County Superior Court sa darating na Mayo 4.
Naharap na noon ang singer sa misdemeanor charges ang singer noong 2007 matapos ang umanoy hit and run sa nakaparadang kotse sa Los Angeles subalit ito ay kaniyang naareglo at binayaran na ang mga nasira.
-- ADVERTISEMENT --
Nawalan din ito ng karapatan para sa kustodya ng dalawang anak nila ni Kevin Federline dahil sa insidente nito na labis na pag-inom ng alak at pagkalulong sa iligal na substance.











