Ipinahayag ng pambato ng Pilipinas na si Rey John Sabado ang kanyang labis na pagmamalaki at karangalan matapos magwagi bilang Mister Global Asian 2026 na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Bukod sa titulo, nasungkit din ni Sabado ang ilang espesyal na parangal gaya ng Best in National Costume, Best in Formal Wear, at Best in Beach Wear.
Nagsimula ang kanyang “humble beginnings” noong siya ay nasa high school pa lamang sa Nueva Ecija. Ibinahagi ni Sabado na bukod sa pagsuporta sa kanyang pamilya, inspirasyon din niya ang pagtulong at pakikibahagi sa mga charity works sa mga bahay-ampunan sa bawat pagsali niya sa patimpalak.
Nagpasalamat din siya sa lahat ng sumuporta sa kanyang pageant journey.
Matapos ang kanyang pagkapanalo, plano ni Sabado na ituon muna ang pansin sa kanyang mga business ventures at sa pagbibigay-suporta sa male pageantry sa bansa.











