-- ADVERTISEMENT --

Nilinaw ng Malacañang na hindi pa napag-uusapan sa anumang pagpupulong ang isyu ng Charter Change o pag-amyenda sa Konstitusyon.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, sa kasalukuyan ay hindi pa nabibigyang-pansin ng Pangulo ang mga mungkahi ng ilang mambabatas kaugnay ng Charter Change (Cha-Cha), maging ito man ay political amendments o ang economic provisions.

Paliwanag ni Castro, kung mailalatag ang konkretong nilalaman ng mga panukala, saka pa lamang ito maaaring pag-aralan at pagdesisyunan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa ngayon, iginiit ng Malacañang na wala pang anumang talakayan tungkol dito.

Sa Kamara, agresibong isinusulong ni Deputy Speaker Ronaldo Puno ang 

-- ADVERTISEMENT --

Charter Change (Cha-cha) sa pamamagitan ng isang Constitutional Convention (Con-con).

Layunin nitong itama ang mga aniya’y “malabo” at “may kakulangan sa proseso” na probisyon ng 1987 Constitution partikular sa mga usapin ng impeachment, voting procedures, at Judicial and Bar Council.

Iginiit ni Puno na kinakailangan ang malinaw at maayos na mga probisyon upang maiwasan ang kalituhan at hindi pagkakaunawaan sa pagpapatupad ng batas.