Target ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na magkaroon sila ng mas maraming araw para sa paghahanda ng second window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Ayon kay Cone, na sa darating na Pebrero 16 ay magsisimula ang kanilang training camp.
Dagdag pa nito na sa inisyal na plano ay gaganapin sana ito ngayong araw, Pebrero 11 subalit nagkaproblema pa ang ilang mga schedule ng mga manlalaro.
Ilan sa mga hinihintay niyang mga manlalaro na galing pa sa liga sa Japan ay sina AJ Edu, Dwight Ramos at Quentin Millora-Brown habang ang mga manlalaro na galing pa sa Korea ay sina Kevin Quiambao at Carl Tamayo.
Mayroong dalawang laro ang Gilas na gaganapin dito sa bansa na ang una ay sa Pebrero 26 laban sa New Zealand habang sa Marso 1 naman ay laban sa Australia na parehas na gaganapin sa Mall of Asia Arena.











