-- ADVERTISEMENT --

Nagtala ang Department of Health (DOH) ng 28 na kaso ng naputukan.

Ayon sa DOH na ang bagong walong kaso ay naiulat nitong umaga ng Disyembre 25.

Mula noong Disyembre 21 ay 28 kaso ang naitala na dinala sa 62 na mga pagamutan.

Ang nasabing datos ay mas mababa ng 50 percents kumpara noong nakaraang taon sa parehas na araw na mayroong 56 na kasong naitala.

Sa nasabing kaso ay 19 sa 28 na mga biktima ay 19-anyos pababa habang 32 percent o siyam ang bilang na nasa edad 20 pataas.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy ang ginagawang panawagan ng DOH sa publiko at maging sa local government unit na higpitan ang pagbebenta ng mga iligal na paputok.