-- ADVERTISEMENT --
Hinihikayat ng NBI ang mga motorista na nagdaan sa Kennon Road, Benguet noong Disyembre 18 na magsumite ng kanilang dashcam footage para makatulong sa imbestigasyon sa pagkamatay ni dating DPWH Usec. Catalina Cabral.
Ang mga video na kinakailangan ay mula 9:00 AM hanggang 7:00 PM sa Sitio Maramal Camp 5, Barangay 4, Tuba, Benguet. Tinitiyak ng NBI na ang lahat ng impormasyon ay mananatiling kumpidensyal at gagamitin lamang sa legal na imbestigasyon.
Para sa mga nais magsumite, maaaring tumawag sa 0908 978 0135 o mag-email sa nbiserves@nbi.gov.ph.
Malaki ang maitutulong ng inyong kooperasyon sa paglutas ng kaso.











