-- ADVERTISEMENT --
Inaprubahan na ng bicameral conference committee noong Martes ng gabi, Disyembre 16, ang 2026 proposed budget ng Office of the Vice President (OVP) na nagkakahalaga ng P889.2 million, kapareho ng nakasaad sa National Expenditure Program (NEP).
Maalalang naunang binawasan ng House of Representatives ang OVP budget sa P733 million matapos tumangging sagutin ni Vice President Sara Duterte ang paggamit ng humigit -kumulang P625 million sa confidential funds noong 2022 at 2023.
Batay kasi sa Pangalawang Pangulo, kaya hindi niya sinagot ang mga tanong tungkol sa pondo dahil ito ay bahagi ng nakabinbing impeachment case laban sa kanya at may kaugnayan sa national security.











