-- ADVERTISEMENT --

Maaaring maging batayan para sa panibagong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte ang bagong mga reklamong isinampa laban sa kanya at 15 iba pa sa Ombudsman, ayon kay Mamamayang Liberal (ML) Party List Representative Leila De Lima at isang grupo.

Ang mga reklamong isinampa sa Ombudsman ay plunder, graft, bribery, at malversation dahil sa umano’y “sistematikong maling pamamahala” ng P612.5 milyon na confidential funds.

Kung saan kabilang sa sinampahan ng reklamo sina OVP chief-of-staff Zuleika Lopez at dating DepEd undersecretary Michael Poa. Ayon sa isa sa mga complainant, matibay ang ebidensyang hawak nila na maaaring mauwi sa kaso sa Sandiganbayan o impeachment case.

Sinang-ayunan ni Rep. Leila de Lima ang pahayag ng complainant na mas malakas at mas nakatuon sa ebidensya ang mga bagong reklamo laban sa Bise Presidente. Ayon kay De Lima, na puwede ring magsilbing basehan para sa impeachment.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, nauna ng itinanggi ng Pangalawang Pangulo ang akusasyon at tinawag itong “fishing expedition” at iginiit niyang may sapat na ebidensya at testimonya na susuporta sa kanya.