-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma ng Miss Universe Organization (MUO) President na si Raul Rocha na nakatakda ng lumabas ng ospital si Miss Universe Jamaica 2025 Dr. Gabrielle Henry.

Ayon sa MUO patuloy silang naka-monitor sa kalagayan ng dalaga at inihayag din ni Raul na mahirap sa kanila makakita ang sinapit ni Dr. Henry matapos ang pagkahulog sa entablado noong preliminaries ng MU, Nobyembre 19, ngunit nasolusyunan naman daw ang mga ito at nasa mabuting kalagayan na ang kandidata.

Iniulat din ng MUO na kanilang sinagot ang mga gastusin sa opsital ni Miss Jamaica, kabilang na daw dito ang gastusin sa hotel, rebooking ng ticket, transportation, at iba pang pangangailangan ng kandidata.

Magugunita noong Nobyembre 21, sinabi ng Miss Universe Jamaica na nasa ICU ang beauty queen at hindi pa gumaganda ang lagay.

Samantala, patuloy naman ang ingay na bumabalot sa MUO matapos akusahan ng judge na si Omar Harfouch na “rigged” ang resulta ng pageant, at ang kamakailan lang pagbibitiw ni Olivia Yacé bilang Miss Universe Africa & Oceania.

-- ADVERTISEMENT --