-- ADVERTISEMENT --

Magkakasabay na nagpatupad ng dagdag-bawas ang mga kumpanya ng langis sa kanilang mga produkto.

Nitong alas-6 ng umaga ng ipinatupad ang P0.20 na bawas sa kada litro ng gasolina habang mayroong P0.60 na dagdag sa kada litro ng diesel.

Magtataas din ng P1.30 sa kada litro ang kerosene.

Sinabi ng Department of Energy (DOE) na ang paggalaw ay dahil sa mataas na US reserves at ang pangamba sa ginawang pag-atake ng Ukraine sa oil installations ng Russia.