-- ADVERTISEMENT --
Inanunsiyo ng Appeals Chamber ng International Criminal Court on (ICC) na kanilang dedisyunan sa darating na Nobyembre 28 ang interim release appeal ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Unang ibinasura ng Pre-Trial Chamber ng ICC ang hiling na interim release ni Duterte noong Setyembre 26.
Noong Oktubre 14 ay naghain ang defense team ng apila habang ang prosecution at mga biktima ay sumagot noong Oktubre 21.
Magugunitang noong nakaraang mga linggo ay hinikayat ng ICC Office of the Prosecutor ang Appeal Chamber na panatilihing nakakulong si Duterte matapos na mabigo ang depensa na patunayan na walang legalidad at factual erros ang unang desisyon na ito ay ikustodiya.











