-- ADVERTISEMENT --

Binatikos ni Filipino-American singer Olivia Rodrigo ang administrasyon ni US President Donald Trump dahil sa paggamit ng kaniyang kanta.

Ginamit umano ng Department of Homeland Security (DHS) ang kanta niyang “All-American Bitch” sa inilabas na videoclip ng ahensiya sa kanilang websites.

Makikita sa video ang mga immigrants na ikinukulong ng Immigration and Customs Enforcement (ICE) agents.

Sinabi ng singer na dapat ay hindi nila gamitin ang kanta niya para sa promosyon ng racist at hateful propaganda.

Bagamat binura ng singer ang komento niya ay marami naman ang nag-screenshots.

-- ADVERTISEMENT --

Matapos ang komento ng singer ay tinanggal na ng DHS ang kanta sa kanilang social media.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na gumamit ang administrasyon ni Trump sa mga kanta ng ilang singer na walang paalam dahil ito ay inireklamo na ng ilang mga singers gaya nina Beyonce, Jess Glynee at The Rolling Stones.