-- ADVERTISEMENT --
Itinanggi ni Vice President Sara Duterte ang alegasyong isa siya sa mga financier ng destabilisasyon laban sa gobyerno, matapos siyang pangalanan ng beteranong brodkaster na si Ramon Tulfo.
Ayon sa Bise Presidente, walang basehan ang paratang at tinawag itong “chismis” dahil walang ebidensya.
Kasama rin sa binanggit ni Tulfo ang kapatid ni VP Sara na si Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte at dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson, ngunit hindi niya tinukoy ang kanyang source.
Ayon naman sa Malacañang, iniimbestigahan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang listahang isiniwalat ni Tulfo.











