-- ADVERTISEMENT --

Inanunsyo ni Senador Jinggoy Estrada sa sesyon ng Senado nitong Lunes na si Chief Presidential Legal Counsel at dating Senate President Juan Ponce Enrile ay kasalukuyang nasa intensive care unit (ICU) dahil sa pulmonya.

Sa kanyang pahayag, nanawagan si Estrada ng panalangin para sa agarang paggaling ni Enrile, na kilala bilang isa sa pinakamatagal na nanilbihang opisyal sa kasaysayan ng politika ng Pilipinas.

Gayunpaman, hindi ibinunyag ni Estrada kung saang ospital naka-confine ang 101-anyos na opisyal.

Si Enrile, na huling nanungkulan bilang Chief Presidential Legal Counsel ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay patuloy na sinusubaybayan ng publiko dahil sa kanyang edad na 101 at mahabang karera sa serbisyo publiko.