-- ADVERTISEMENT --

Hindi makumpirma ng International Criminal Court (ICC) kung mayroon na silang inilabas na arrest warrant laban kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ayon kay ICC spokesperson Fadi El Abdallah na ang mga usapin at balita na may kinalaman sa ICC ay matatagpuan lamang sa kanilang opisyal na communication channels.

Ang kaso na kasalukuyang makikita ay ang laban kay kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Magugunitang ibinunyag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na naglabas na umano ang ICC ng arrest warrant laban kay dela Rosa.

Maging ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Embassy sa the Hague ay sinabing wala pa silang natatanggap na arest warrant laban sa senador.

-- ADVERTISEMENT --

Nahaharap si Dela Rosa sa kasong crimes against humanity na may kinalaman sa laban ni dating Pangulong Duterte sa iligal na droga kung saan noong panahon na iyon ay siya ang hepe ng Philippine National Police.