-- ADVERTISEMENT --

Nabigo ang pambato ng Pilipinas na si Joy Barcoma na makapasok sa Top 4 ng Miss Earth 2025 na ginanap sa Okada Manila sa Parañaque City nitong Miyerkules, Nobyembre 5.

Idineklarang Miss Earth 2025 si Natalie Psukinova ng Czech Republic, habang itinanghal namang Miss Earth Air si Soldis Ivarsdottir ng Iceland, Miss Earth Water si My Anh Trinh ng Vietnam, at Miss Earth Fire si Waree Ngamkham ng Thailand.

Bago tuluyang magpaalam sa kompetisyon, pinatunayan ni Joy ang kanyang kababaang-loob at malasakit nang manawagan siya ng panalangin para sa mga biktima ng Bagyong Tino bago ang kanyang turn sa Question and Answer (Q&A) portion.

Samantala, si Barcoma at tatlo pang semifinalists na hindi nakapasok sa Top 4 ay awtomatikong itinalaga bilang mga runners-up.

Ang Miss Earth 2025 ay bahagi ng ika-25 anibersaryo ng nasabing pageant, kung saan ipinasá ng reigning queen na si Jessica Lane ng Australia ang korona sa bagong Miss Earth 2025.

-- ADVERTISEMENT --