-- ADVERTISEMENT --
Narekober ng Philippine Navy ng hinihinalang debris ng Chinese rocket sa karagatang sakop ng Bataraza, Palawan, ilang araw matapos ang rocket launch ng China.
Sa operasyon ng BRP Lolinato To-Ong (PG-902) sa West Philippine Sea, namataan nitong Lunes ang metal na debris na may bandila ng China, nasa 12.17 nautical miles sa timog-silangan ng Barangay Rio Tuba.
Agad itong nakuha at isinakay sa barko, bago dinala sa Puerto Princesa City para sa dokumentasyon at pagsusuri.
Una ng kinumpirma ng Philippine Space Agency na noong Oktubre 16, inilunsad ng China ang Long March 8A rocket mula sa Hainan Island, na pinaniniwalaang pinagmulan ng debris.