-- ADVERTISEMENT --

Sumama ang singer na si Geneva Cruz sa ilang daang mga residente ng Smokey Mountain sa Manila na nagprotesta laban sa planong pagpapatayo ng gobyerno ng waste-to-energy (WTE) incineration project sa lugar.

Nagpahayag ng pakikiisa ang singer sa mahigit 500 na residente sa tinawag nilang “Day of Action Against Incineration” na ginanap sa San Pablo Apostol Parish sa Tondo, Manila.

Sinabin ng singer na dumaranas na ng hirap ang mga residente sa lugar kung saan sa nasabing proyekto ay magdudulot ng kawalan ng bahay at trabaho ng mga residente doon.

Ang singer ay bahagi ng grupo na Smokey Mountain na sumikat noong dekada 90 kung saan galing ang pangalan nila sa dating dumpsite ng Maynila.