-- ADVERTISEMENT --

Opisyal nang mag-asawa sina singer-actress Selena Gomez at record producer Benny Blanco matapos ang ilang taong pagsasama.

Sa isang Instagram post ni Selena na may caption na β€œπŸ€ 9.27.25 🀍,” ibinahagi niya ang kanilang wedding photos kung saan makikitang naka-white wedding gown siya habang naka-black tuxedo naman si Benny.

Unang nagkakilala ang dalawa noong 2015 nang maging co-producer si Benny ng hit single ni Selena na β€œSame Old Love,” na naging simula naman ng kanilang patuloy na kolaborasyon.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Selena kung paano nahulog ang kanyang loob kay Benny, na tinawag pa niyang β€œbest friend.”

β€œWhen Benny looks at me, I don’t think he sees anything but who I am. That’s very rare to find,” ani Gomez.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaang inanunsyo nila ang kanilang relasyon sa publiko noong nakaraang taon, kasabay ng engagement announcement sa Instagram.