-- ADVERTISEMENT --

Ibinunyag kamakailan ni Ogie Diaz na nasa isang romantikong relasyon na umano sina Daniel Padilla at Kaila Estrada.

Sa kanyang vlog, sinabi ni Ogie na kumpirmado mula sa kanyang source ang relasyon ng dalawa. Aniya, ilang beses nang nakitang magkasama sina Daniel at Kaila, kabilang na sa ilang group dates.

Si Kaila Estrada ay anak ng mga beteranong artista na sina Janice de Belen at John Estrada. Huli namang napanood si Daniel sa series na “Incognito.”

Samantala, inihayag din ni Ogie na may posibilidad na may relasyon na rin si Kathryn Bernardo, dating kasintahan ni Daniel, kay Mayor Mark. Bagamat ilang beses na rin silang nakita na magkasama, wala pa ring kumpirmasyon mula sa dalawa.

“It’s their choice whether or not to admit their relationships,” ayon kay Ogie.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaang naghiwalay sina Kathryn at Daniel noong Nobyembre 30, 2023, matapos ang 11 taong relasyon bilang real-life couple at tambalang KathNiel sa showbiz.

Si Mayor Mark ay dati na ring na-link sa ilang personalidad, kabilang sina Ashley Ortega, Mika Reyes, at Maica Palo.