-- ADVERTISEMENT --

Pasado alas-10 ng umaga, ibinalik na sa Senado si dating Bulacan assistant district engineer Brice Hernandez matapos ang pagdinig ngayong araw sa Pasay Regional Trial Court Branch 112 kaugnay ng kanyang inihaing Writ of Amparo petition.

Sumailalim si Hernandez ng medical examinination matapos maibalik sa Senate detention facility. 

Sa liham na inihain ng kanyang mga abogado kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, hiniling ang muling pagtanggap kay Hernandez sa Senate Detention Facility.

Ipinahayag ng kampo ni Hernandez ang tiwala na parehong magsisilbing huwaran ng disiplina at patas na pagtrato sina Sotto at Senate Blue Ribbon Committee Chairman Ping Lacson. 

Anila, ang pananatili ni Hernandez ay patunay na ang institusyon ay hindi umiiwas sa katotohanan at hindi rin nito tinatalikuran ang taong nagsusugal ng kanilang kaligtasan upang ilantad ang mga ito.

-- ADVERTISEMENT --

Inaasahang haharap si Hernandez sa susunod na pagdinig ng Blue Ribbon Committee.

Pinagbigyan ni Sotto ang kahilingan, at kinilala rin ito ng Korte.