-- ADVERTISEMENT --

Ipinag-utos ng Land Transportation Office (LTO) na suspendihin ng 90-araw ang driver’s license ng mga engineers ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sangkot sa anomalya ng flood control projects.

Kinabibilangan ito ng mga tinanggal na DPWH Bulacan First District Engineer Henry Alcantara, Assistant DIstrict Engineer Brice Hernandez.

Kasama rin na pinapasuspendi ang tinaguriang “Bulcan Group of Contractors” o BGC na sina Arjay Domansig, Edrick San Diego at Jaypee Mendoza.

Kasunod ito sa pag-amin ni Alcantara sa Senado na gumamit ang mga ito ng pekeng pangalan at pekeng ID para makapaglaro sa casino.

Sinuri ng LTO ang inilabas na drivers license ni Alcantara at napag-alaman nila na wala silang naiisyu.

-- ADVERTISEMENT --

Habang ang mga tinaguring BGC Boys ay piangsusumite ng paliwanag ng hanggang Biyernes sa opisina ng LTO.