-- ADVERTISEMENT --
Kalunos-lunos ang sinapit ng isang prinsipal ng Islamic School na nagsisilbi rin bilang Islamic preacher matapos siyang igapos, barilin, at paulit-ulit na saksakin bago itapon sa gilid ng kalsada sa bayan ng Datu Odin Sinsuat (DOS) sa Maguindanao del Norte.
Kinilala ang biktima na si Ustadz Abu Sadid Landasan Mudeer, prinsipal ng Islamic school na Madrasatul Alnor Al-Islamie sa Aleosan, North Cotabato.
Ayon sa Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, bago natagpuan ang bangkay ng biktima, huli itong nakita na sakay ng kanyang motorsiklo patungo sa bayan ng Carmen sa Cotabato.
Nawawala na rin ang motorsiklo at bag ng prinsipal na naglalaman ng kanyang mga personal na gamit.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.
-- ADVERTISEMENT --