-- ADVERTISEMENT --

Nagiging malinaw na ngayon na matutuloy na ang pagkikita nina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin.

Inanunsiyo ni Putin na maari silang magpulong sa United Arab Emirates.

Isinagawa ni Putin ang anunsiyo matapos ang pakikipagpulong nito kay UAE President Sheikh Mohammed bin Zayed Al Nahyan.

Maaring sa susunod na linggo magaganap ang pulong kung saan maisasama nila si Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Ang nasabing anunsiyo ay kasunod ng nalalapit na deadline na ibinigay ni Trump sa Russia na kaniyang papatawan ng mabigat ng sanctions ang bansa kung hindi tutugon sa ceasefire nila sa Ukraine.

-- ADVERTISEMENT --