-- ADVERTISEMENT --
Inaasahang aabot sa 17 bagyo ang posibleng pumasok o mabuo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mula Agosto ngayong 2025 hanggang sa Enero 2026.
Ayon sa state weather bureau, nasa dalawa hanggang sa tatlong bagyo ang posibleng pumasok ngayong buwan ng Agosto.
Sa Setyembre at Oktubre, inaasahang nasa dalawa hanggang apat na bagyo ang posibleng mabuo.
Sa Nobiyembre naman, nasa dalawang hanggang tatlong bagyo habang sa Disyembre nasa isa hanggang dalawang bagyo ang inaasahang mabuo sa bansa.
Sa Enero, posibleng wala hanggang sa isa ang maaring mabuo bilang bagyo.
-- ADVERTISEMENT --
Ang pagtaya na ito ng bureau ay base sa 186th Climate Outlook Forum ng ahensiya noong Hulyo 29 ng kasalukuyang taon.