-- ADVERTISEMENT --

(UPDATE) Hustisya, sigaw ng pamilya ng 14 taong gulang na pinugutan ng ulo

GENERAL SANTOS CITY – Hirap pa ring tanggapin ng ama ang nangyari sa kanyang 14 taong gulang na anak matapos pinugutan ng ulo sa hindi pa kilalang salarin sa Sapu Padidu, Malapatan, Sarangani Province.

Kinilala ang biktima na si Arjun Villajuan, residente ng nabanggit ng lugar.

Sa murang edad ay naghahapbuhay na ito bilang mangingisda.

Hangad ni Mr. Rolly Villajuan ang hustisya para sa brutal na pagpatay sa kanyang anak.
Aniya, mapanagot sana kaagad ang gumawa ng karumaldumal na krimen.

-- ADVERTISEMENT --

Blangko ang pamilya sa motibo ng pagpatay sa naturang binatilyo.

Nabatid na pauwi ang biktima galing ng bilyaran nang mangyari ang krimen.