-- ADVERTISEMENT --

Guro tinapos ang klase bago hinuli ng Pulisya

GENERAL SANTOS CITY-Planong magbayad ng pyansa ang isang Public School Teacher matapos hinuli sa paglabag ng sec 5 ng RA 9262 o Violence Against Womens and Their Childrens act.

Matatandaan tinapos ng Guro ang kanyang klase nuong byernes bago hinuli ng Pulisya. Mismong si RTC 22 Judge Jose Blanza nagpalabas ng warrant of Arrest para hulihin si Lutermi Albaricin Teacher 1 ng Tinagacan Elementary School .

Nireklamo si Albaracin ng kanyang Misis na inabandona ang pamilya at sumama sa isang Guro na aniyay pinakasalan pa sa relihiyong Islam.

Dagdag pa ng reklamante na nuong Nobyembre nanganak ang babae sa pangalawang supling. Matapos pinosasan walang imik na suma ang suspek sa Pulisya at pagdating ng Police station kaagad itong nilagay ng selda.

-- ADVERTISEMENT --

Nalaman na may dalawang anak si Albaracin sa kanyang orihinal na Misis.