-- ADVERTISEMENT --
Aabot sa 78 katao ang nasawi matapos ang naganap na drone strike sa isang mosque sa Sudan
Nangyari ang insidente sa el-Fasher City sa may Darfur Region kung saan mahigit 20 naman ang sugatan.
Isinisi ng mga otoridad sa paramilitary na Rapid Support Forces (RSF) ang nasabing pag-atake.
Mahigit dalawang taon na kasi ang labanan ng military at ang RSF.
Mariing itinanggi naman ng RSF na sila ang nasa likod ng nasabing drone attack.
-- ADVERTISEMENT --