-- ADVERTISEMENT --

SARANGANI – Pinaniniwalaang sinapian ng masamang espiritu ang pitong estudyante sa Sarangani Province.

Kasunod ito ng kanilang paghagulgol, pagsigaw, pagpupumiglas at matatapang na boses habang nasa silid-aralan.

Ayon sa ulat, ang mga estudyante ay mula sa Tanao Bantilan National High School sa Glan.

Alas-10 ng umaga noong July 10 nang marinig umano ang sigawan ng mga estudyante at mayroon pang nahimatay.

Dahil dito, nagdesisyon ang paaralan na pauwiin na lang ang mga mag-aaral.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa isang estudyanteng pinaniniwalaang sinapian, sinabi raw ng kapatid nito sa kanya nang umuwi siya sa kanilang bahay na biglang nag-iba raw ang galaw niya at humalakhak nang malakas.

Kuwento naman ng isa pang estudyante, sa clinic ay nakakita siya ng tatlong lalaki na puno ng dugo, kung saan pinalibutan umano siya ng mga ito at pilit na itinutulak.

Naniniwala naman ang pastor na nakakita sa insidente na hindi sinapian ang mga estudyante kundi nakaranas lamang ng panic attack.