-- ADVERTISEMENT --

Nakatakas ang 50 mga estudyante na unang dinukot mula sa isang Catholic school sa northern Nigeria.

Ayon sa Christian Association of Nigeria (CAN) tumakas ang mga ito at sila ay nakabalik na sa kanilang mga pamilya.

Mayroon pang 253 na mga bata kasama ang 250 na mga mag-aaral mula sa paaralan at tatlong bata at 12 guro ang nananatiling hawak ng armadong suspek.

Magugunitang nitong Biyernes ng dinukot ng mga armadong suspek ang mga mag-aaral ng St. Mary’s Private Catholic school sa north-central Niger State.


Umapela na rin si Pope Leo sa mga dumukot na pakawalan na ang mga bihag nilang mag-aaral.

-- ADVERTISEMENT --