-- ADVERTISEMENT --

Inihayag ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, noong Sabado ang umano’y espionage activities ng tatlong (3) Pilipino para sa China ay ang pangunahing dahilan malaking bayad, kabilang ang kapalit na mataas na sahod at malalaking bonus mula sa kanilang Chinese handlers.

Ayon kay Trinidad, kumikita ang mga suspek ng apat hanggang anim na digit para sa impormasyong kanilang ibinibigay, at nakakanggap din daw sila nang malalaking bonus.

“The modus operandi are all financial from 4 to 6 digits ang halaga,” ani Trinidad.

Napag-alaman na pinapadala ang bayad sa kanila sa pamamagitan ng digital wallets o food couriers kapalit ng impormasyong kanilang ibinibigay.

Isa sa mga espiya umano ang nakunsensya nang minsang makita ang ginawang pag-bangga ng barko ng China sa barko ng PCG kung saan ilan sa mga Pilipinong tauhan nito ang nasaktan.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi rin ni Trinidad na isang navy officer ang nag-sumbong nang tangkaing i-recuite ng isang babaeng dayuhan at simulan nito ang pag-hingi ng mga sensitibong impormasyon.

Sinabi rin ng PCG na ang pag-rerecruit ng mga Pilipinong nasa navy ay sumabay sa panahong nabisto ang umano’y espionage activities ng China kabilang ang kaso ni Alice Guo, ang “Palawan 5” na naglalagay ng CCTV sa paligid ng Ulugan Bay, at ang mga nahuli sa Grande Island at Chiquita Island.

Ayon sa National Security Council (NSC), ang mga operasyon ng mga suspek ay natigil na, at lahat ng Pilipinong sangkot ay kanilang kinilala sa pagdi-diskubre ng secret communication ng mga ito gamit ang isang gaming app.

Samantala, mariing itinanggi ng Chinese Embassy sa Maynila ang mga alegasyon na kumukuha umano ang China ng mga Pilipino upang magsagawa ng espionage activities sa Pilipinas.

Ayon kay Embassy spokesman Ji Lingpeng, ang mga paratang ay pawang gawa-gawa lamang. Iginiit din niya na sinusunod ng China ang prinsipyo nito sa hindi makialam sa usapin ng ibang bansa.

“We firmly oppose and strongly deplore irresponsible remarks made by certain Philippine agencies peddling so-called ‘Chinese spy’ narratives. China follows the principle of non-interference in other countries’ internal affairs,” ani Ji.