-- ADVERTISEMENT --

Dalawang turistang Pilipino ang nasawi habang walo ang malubhang nasugatan matapos tumaob ang sinasakyan nilang bus patungong Oktoberfest sa Germany nitong Linggo.

Biyaheng Munich mula sa Mailand ang bus na may sakay na humigit-kumulang 50 Pilipino nang lumabas ito sa kalsada at tumaob malapit sa bayan ng Buchloe.

Mabilis na nagpadala ng humigit-kumulang 250 emergency personnel sa lugar ng aksidente na naging dahilan ng pansamantalang pagpapasara sa magkabilang daan ng highway.

Ipinahayag ng Philippine Consulate General sa Frankfurt na labis silang nalulungkot sa insidente habang nakikipag-ugnayan na sa pulisya ng Germany upang kumpirmahin ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Nakiisa rin sa pakikiramay ang Philippine Consulate General sa Milan at naglabas ng hotline para sa mga pamilyang kailangang makipag-ugnayan ukol sa kanilang mga kamag-anak.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, patuloy ang panalangin ng mga opisyal ng Pilipinas para sa mabilis at kompletong paggaling ng iba pang mga kababayang nasugatan sa aksidente.