-- ADVERTISEMENT --

Nasagip ng mga lokal na awtoridad ang dalawang batang Palawan leopard cat noong Lunes sa bayan ng Roxas.

Ang Palawan leopard cat (Prionailurus bengalensis heaneyi), na kilala rin sa lokal na tawag na “tamaral” o “maral,” ay kabilang sa mga endangered species.

Ayon sa Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), natanggap nila ang ulat mula sa isang mag-asawa noong nakaraang weekend.

Nabatid ng mag-asawa ang presensya ng mga kuting nang mag-ingay ang kanilang aso sa isang adult na Palawan leopard cat.

Nang kanilang tingnan, nakita rin nila ang dalawang kuting at agad itong ini-report sa mga awtoridad.

-- ADVERTISEMENT --

Dinala ng Palawan Council for Sustainable Development Staff ang mga nasabing endangered species, at sa paunang pagsusuri, sila ay malulusog.

Ngayon, nasa pangangalaga na ng MENRO ang mga Palawan leopard cat para sa tamang pag-aalaga.