-- ADVERTISEMENT --
Patay ang 11 katao matapos ang pagbagsak ng eroplano sa Kenya.
Ayon sa mga otoridad na 10 European at isang local pilot ang nasawi.
Galing ang eroplano sa sikat na beach resort na Diani patungo sa Maasai Mara game park ng ito ay bumagsak.
Lulan ng eroplano ang walong Hungarians, dalawang Germans at Kenyan pilot.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa insidente.
-- ADVERTISEMENT --











