Nagbulsa umano si dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co ng aabot sa P10.41 billion bilang kickback mula sa government projects, batay sa report ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Ang naturang halaga ay mula 2023 hanggang taong 2025, kung kailan siya tuluyang nagrbitiw bilang mambabatas.
Lumalabas din sa financial record ng AMLC na nakapagpasok ng hanggang P3.9 billion ang dating mambabatas sa kaniyang mga account, sa kabuuan ng 2021 hanggang 2025.
Ang naturang halaga ay malayong mas mataas kumpara sa kaniyang sinasahod sa Kongreso at maging sa kaniyang earnings bago siya pumasok sa Kongreso.
Batay sa record ng konseho, mahigit dalawang daang bank accounts ni Zaldy Co ang nasa ilalim na ng freeze order.
Sa kasalukuyan, ang mga ari-arian ni Co na nasa ilalim ng freeze order ay kinabibilangan ng 205 bank accounts, 12 insurance policies, dalawang AW139 helicopters na tinatayang nagkakahalaga ng P1.8 billion, at isang Gulfstream G350 jet na nagkakahalaga ng mahigit P2 billion ang nasa ilalim ng freeze order.
Ilan sa mga ari-arian at accounts ni Co na na-freeze ay joint account kasama ang kontrobersyal na SunWest Construction and Development Corp.











