-- ADVERTISEMENT --
Nasa listahan na ng World Boxing Association (WBA) cruiserweight rankings si YouTuber turned boxer Jake Paul.
Base sa listahan ng WBA ay nasa pang-14 na ang ranking niya kung saan mayroon itong 12 panalo, isang talo at pitong knockouts sa kabuuang laban niya.
Inilabas ang ranking matapos na talunin niya noong nakaraang buwan si Julio Cesar Chavez Jr sa pamamagitan ng unanimous decision sa Anaheim, California.
Dahil dito ay maari na niyang makaharap si WBA cruiserweight champion Gilberto “Zurdo” Ramirez.
Bagamat wala pang kasunduan subalit tila nagpaghiwatig na si Paul ng magkatitigan sila noong nanalo ito kay Chavez.
-- ADVERTISEMENT --
Tanging talo lamang ni Paul ay sa kamay ni Tommy Fury noong 2023 na isang seryosong professional boxer.